freelysaid ([info]freelysaid) wrote,
@ 2008-12-31 21:05:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
Unang pagbati
Bagong taon na! Sana kasama niyo kahapon ang mga mahal niyo sa buhay at puro tawa ang isinalubong niyo sa pagsapit ng hating gabi, dahil yun ang ginawa namin dito.

Binabati ko nga pala ulit ang nakakabata kong kapatid na si D sa kanyang kaarawan, at si Lissa, Natz at Tito Noli ngayong unang araw ng bagong taon.

Hindi ko alam bakit maaga ako nagising (natulog ako mag-a-alas singko na halos pero nakabangon ako bago mag-alas nueve), pero naisip ko na ito na ang pagkakataon kong magsulat para sa inyo.

Bagong taon, marami pang pag-asa (hehe). Magkakaron din ng paghihirap, pagkakamali, at kalungkutan, pero tayo rin naman natin mapipiling maging masaya at gawing makabuluhan ang taon. Kaya para sa inyo ang ngiting ito... sana puno ng ngiti at tuwa ang taon nating lahat!!



Advertisement


(Read 3 comments)

Post a comment in response:

From:
(will be screened)
Help(will be screened)
Identity URL: 
(will be screened if not a friend)
Username:
Password:
Don't have an account? Create one now.
Subject:
No HTML allowed in subject
   Help
Message:
 
Notice! This user has turned on the option that logs IP addresses of anonymous posters. Help
Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…